May 8, 2024

EUMIR FELIX MARCIAL, NAGKASA NG COMMUNITY PANTRY SA BAGUMBAYAN

Nagsagawa ng isang community pantry si Eumir Felix Marcial sa isang lugar sa Quezon City. Naabutan niya ng tulong ang mga residente sa Bagumbayan. Katuwang ng 2020 Tokyo Olympics bronze medalist ang members ng Association of Boxing Alliance in the Philippines.


Tumulong din ang ilang miyembro ng Philippine Air Force at Chooks-to-Go sa pagde-deliver ng mga pagkain.


Masaya naman ang 25-anyos na si Marcial sa kanyang ginawa. Ani pa ng Zamboanga City native, ang kanyang ‘Good Samaritan’ deed ay pagtanaw lamang ng utang na loob.


” Bale ganti ko lang ito, pambawi baga sa sumuporta sa akin noong lumaban ako sa olympics. Masaya ako dahil napasaya ko ang ating mga kababayan,” aniya.