May 19, 2024

EUMIR FELIX MARCIAL AT IBA PA, SASABAK SA ASIAN ELITE MEET

Sasalang muli sa isang boxing event sa Dubai si Eumir Felix Marcial bilang pagpakondisyon bago sumalang sa Tokyo Olympics.

Sasalang muli sa isang boxing event sa Dubai si Eumir Felix Marcial bilang pagpakondisyon bago sumalang sa Tokyo Olympics.

Bilang bahagi ng final preparation, ilang Pinoy boxers din ang ipadadala sa isang boxing meet. Ito ay ikakasa ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP).

Ipadadala ng ABAP ang full contingent sa 2021 ASBC Asian Elite Men and Women Boxing Championships. Idaraos ang torneo sa May 21 hanggang June 1 sa Dubai.

Bahagi ng contingent si professional boxer Eumir Felix Marcial. Kinumpirma mismo ito ni ABAP-Secretary-General Ed Picson.

 “He was in the lineup for India. We also put him in the lineup for Dubai. But we’re hoping he can join the camp in Thailand,” saad ni Picson.

Ang ASBC meet ay inorganisa ng Asian Boxing Confederation. Ito ay itinakda sa orihinal na petsa nito na May 21-30 sa New Delhi. Subalit, dahil sa rising cases ng COVID-19 sa India, iniurong ang petsa nito.

Bumalik sa bansa si Marcial noong April 20 matapos ang 6 months stay nito sa US. Kung saan, nagsasanay siya sa Wild Card Gym ni Freddie Roach sa Los Angeles.