ISANG MATINDING PASABOG ang bumulaga sa publiko matapos isiwalat ng whistleblower na si Julie Patidongan alyas “Totoy” na dawit umano si retired police lieutenant general Jonnel Estomo sa kontrobersyal na pagkawala ng mga sabungero!
Ayon kay Totoy, si Estomo raw mismo ang nag-udyok kay negosyanteng Atong Ang na ipapatay siya dahil sa umano’y gusot nila sa pera. Pero mabilis namang bumuwelta si Estomo—”Walang katotohanan ‘yan! Hindi ako sangkot diyan!”
Sa isang pahayag kahapon, todo-tanggi si Estomo at iginiit na handa siyang humarap sa kahit anong imbestigasyon para linisin ang kanyang pangalan.
“Maghahain kami ng kaso laban kay Totoy! Sinisira niya ang pangalan ko!” galit pang pahayag ng dating heneral.
Hindi lang si Estomo ang tinumbok ni Totoy—12 aktibong pulis din ang isinalang sa kanyang reklamo! May colonel, major, at mga sergeant umano na sangkot din sa kaso.
Pati si Atong Ang, na sinasabing utak sa mga sabungero, ay todo-tanggi rin sa paratang.
Ayon sa National Police Commission (Napolcom), posibleng madagdagan pa ang mga isasampang reklamo ni Totoy habang lumalalim ang imbestigasyon.
Patuloy na tinututukan ng taumbayan ang isyung ito. Sino ba talaga ang nagsasabi ng totoo? Abangan ang susunod na kabanata!
