November 1, 2024

Erika Santos, bumida sa pagpatid ng linya ng PLDT sa Cignal

Kuminang si Erika Santos sa fourth set upang padapain ng PLDT Home Fibr ang Cignal sa semis ng PVL Invitational Conference. Pinutol ng Speed Hitters ang linya ng HD Spikers, 15-25, 25-13, 25023-25-23. Kaya, napitas nito ang second win sa semis sa Ynares Center sa Antipolo.

Nang magbanta ang HD Spikers na ipuwersa ang decider 19-14 spread sa 4th, dito na kumilos si Santos. Kung saan, inilista niya ang 5 points, kasama ang match points.

Nang magbanta ang HD Spikers na ipuwersa ang decider 19-14 spread sa 4th, dito na kumilos si Santos. Kung saan, inilista niya ang 5 points, kasama ang match points. Kumolekta naman si Dell Palomata ng 19 points off 16 attacks at 3 blocks. Habang si Jules Samonte ng 12 points. Nag-ambag naman si Mika Reyes at Toni Basas ng tig-11 points sa Speed Hitters.

Ang nagbabalik laro naman na si Jovielyn Prado ay lumagare ng 9 points at 21 digs. Samantalang 23 excellent digs naman ang ambag ni setter Rhea Dimaculangan.

 “Cignal is a strong team. I told my team winning and losing is a choice so we have to choose. I’m glad that they chose to win. They worked hard and it materialize,” ani PLDT head coach George Pascua.

Sa panig naman ng HD Spikers, nagtala naman ng 20 points ang nagbabalik nasi Ces Molina. Nagtala naman ng 11 points, 14 digs at 8 excellent receptions si Rachel Anne Daquis.