May 16, 2024

EPTIC TANK TRUCK DRIVER PATAY SA LOVE TRIANGLE


CEBU CITY – Arestado ng pulisya ng Talisay City ang isang driver ng septic tank truck matapos iturong pumatay sa kanyang katrabaho dahil sa love triangle.

Kinumpirma ng Talisay City Police Station ang nangyaring pamamaril sa Brgy. Jaclupan na kumitil sa buhay ng 42-anyos na si Oliver Bacus Segue na isa ring septic tank truck driver.

Naaresto ang suspek malakalipas ang ilang oras matapos nilang mapalaman ng pulsiya ang biktima ay sangkot sa pakikiapid sa asawa ng kanyang katrabaho.


Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, na binaril ng suspek na si Aldrin Bonghanoy ang biktima habang breaktime sa trabaho sa Brgy. Jaclupan dakong alas-2:00 ng hapon.

Agad hinanap ng pulisya matapos mapag-alaman sa ate ng biktima ang relasyon ni Segue sa asawa ng kanyang katrabaho.

Nadakip ang suspek sa kanyang bahay.

Dadag pa ng pulisya na si Bonghanoy ay isa ring ex-convict, na nakulong dahil sa kasong ilegal na droga.

Nasa kustodiya na ngayon ng Talisay City Police Station ang suspek at maaring maharap sa kasong murder.