May 15, 2024

EMERGENCY TENTS, IPINAMAHAGI NG MAGKAKAPATID NA BARBERS

NAKATANGGAP kamakailan lang ng mga emergency tents ang Munispalidad ng Bacuag, Surigao del Norte mula kina Congressman Ace Barbers, dating Governor Robert Lyndon Barbers at dating Tourism General Manager Dean Barbers.

Pinangunahan ng Abante Surigao Development Organization, Inc (ASDOI) sa pamamagitan ni dating Governor Robert Lyndon Barbers ang turn-over ng nasabing emergency tent kina Mayor Felicisimo Cebero at Vice Mayor Sheila Mae Cebedo at ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

Sa kanyang pahayag, binigyang diin ng dating gobernador ang kahalagahan ng nasabing emergency tent para sa Disaster Risk Reduction Program ng naturang bayan na magagamit sa panahon  ng kalamidad.

Una nang namahagi ng emergency tents ang mga Barbers sa bayan ng Tagana-an  sa Surigao del Norte.