Ngayong tuluyan nang sinuspinde ang online sabong, iginiit ni senatorial candidate Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar sa mga awtoridad na dapat mas pagtuunan nila ng pansin ang pagresolba sa kaso ng 34 na nawawalang sabungero.
Ayon kay Eleazar, dating hepe ng Philippine National Police, labis na nagdurusa ang pamilya at kaanak ng mga nawawalang sabungero kaya’t dapat mabigyan ng linaw ang sinapit ng nawawala nilang kaanak.
“Ipinagbawal na ng ating mahal na Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang online sabong sa bansa subalit wala pa ulit tayong nakukuhang updates tungkol sa mga nawawalang sabungero. Hindi puwede na mabaon na lang nito sa limot,” ani Eleazar.
“Tulungan natin ang pamilya ng mga nawawalang sabungero na makita pa ang kanilang mga kaanak o malaman ang kanilang kalagayan. Aside from that, let us give justice to what was done on them. Kailangang may managot dito,” dagdag pa nito.
Samantala, nanawagan si Eleazar sa PAGCOR na maging mapagmatiyag laban sa mga magpapatuloy ng operasyon ng online sabong dahil ipinagbawal na ito ng pambasang pamahalaan.|
“Si Pangulong Duterte na ang nagbawal sa operasyon ng online sabong kaya dapat siguraduhing walang makakalusot dito. Dapat mapapanagot sa batas ang sinumang lumabag sa kautusang ito,” wila ni Eleazar.
Sinabi rin nito na dapat alamin ng PAGCOR kung saan maaring makalikom ng kita, matapos ipatigil ni Duterte ang operasyon ng online sabong.
Pinaalalahanan naman ni Eleazar ang publiko sa masamang epekto ng sugal, hindi lamang sa buhay ng tao at pamilya, kundi pati sa lipunan.
“Bukod sa pagkakalubog sa utang at pagkakasira ng pamilya, maaari ring pag-ugatan ng iba pang krimen ang pagkakalulong sa sugal. Kaya naman paulit-ulit ang paalala natin sa publiko na iwasan ito,” sambit ni Eleazar.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA