May bagong misyon si dating PBA legend Ramon ‘El Presidente’ Fernandez dahil sa pansamantalang tungkuling inaatang sa kanya sa larangan ng palakasan. Katunayan, itatalaga siya bilang officer-in-charge ng Philippine Sports Commission (PSC). SI Fernandez muna ang pupuno sa tungkulin ni Chairman William Ramirez.
Pansamantalang magpapahinga si Ramirez upang matutukan nito ang pag-aalaga sa maybahay na si Mercy na may karamdaman. Katunayan, sumailalim ang maybahay ni Ramirez sa isang operasyon sa apdo. Gayunman, babalik naman sa Hulyo 20 ang PSC Chairman upang ipagpatuloy ang kanyang tungkulin sa ahensiya.
“I am availing of this sick leave because I have to attend to the medical needs of my wife. She is in dire need of my personal care and full attention,” saad ng nilalaman ng sulat ni Ramirez.
“In the meantime, may I respectfully request for the designation of an OIC, from among the commissioners of the PSC, who will manage the day-to-day operations during my leave of absence and in order not to disrupt the operation of the PSC,” aniya.
Kaya naman, simula sa susunod na buwan, opisyal na ang pagiging OIC ng dating four-time MVP batay na rin sa mga bali-balita ayon sa source mula sa PSC.
Kaugnay sa pagkakatalaga kay ‘El Presidente’, pinadalhan ng liham ni chairman Ramirez noong nakaraang linggo kay Pangulong Duterte sa pamamagitan ni Executive Secretary Salvador Mediadea.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2