May 16, 2024

EJ OBIENA, TATANGGAP NG P1.5 BONUS MULA SA PSC

Mabibiyayaan si Pole Vaulter EJ Obiena ng Philippine Sports Commission (PSC).Ito ay dahil sa kanyang ipinamalas na husay sa sinalihang torneo kamakailan. Makatatanggap siya ng P1.5 milyong cash bonus mula sa ahensiya.


Mismong si PSC chairman William “Butch” Ramirez ang nagkumpirma tungkol dito. Isa sa mga dahilan ng pagkakaloob ng bonus kay Obiena ay ang pagbura nito sa 23- tang Asian record sa pole. Nangyari ito nang lumahok siya sa competition sa Austria.


Hinihintay na lamang ng PSC ang endorso ng documents mula sa Philippine Track and Field Association mula sa international competition. Ito’y upang mailakad ang pagbibigay ng bonus sa Filipino vaulter.


Nakaugnay at nasa proseso’t batas ang pagbibigay ng bonus batay sa Section 8 ng Republic Act 10699. O expanded National Athletes, Coaches and Trainers Benefits and Incentives Act of 2001.