Muling nakalundag si EJ Obiena ng gold medal nang maghari sa Jump and Fly meet sa Hechingen, Germany. Nalundag ng Pinoy pault vaulter ang 5.80-meter clearance sa torneo. Matapos masungkit ang gold, nailista ni Obiena ang new personal best.
Subalit, nabigong itarak ang 5.94m sa tatlong ulit na pagtatangka. Ang naturang pagkapanalo ay bounce-back performance ni Obiena. Kung saan, nagtapos lamang siya ng sixth-place sa Diamond League sa Stockholm, Sweden.
Natuhog din ng 26-anyos na vaulter ang sixth gold medal sa taong ito. Pangalawa sa nakalipas na wala pang isang linggo.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2