November 2, 2024

EAST ASIA SUPER LEAGUE, NAKIPAGSANIB PUWERSA SA PBA

Pormal nang nakipagtambalan ang East Asia Super League sa PBA via multi-year partnership. Kasama rin sa tie-up ang B. League, Korean Basketball League (KBL) at P. League. Mula rito, maikakasa na ang new pan-regional tourney via home-and-away format.
Walong best teams sa Asia ang maaaring maglaban kada linggo.

Na hahatiin sa dalawang grupo na lalaro sa round-robin format. Kung saan, nakataya ang USD 1-million prize money.


Bawat team ay sasalang sa home-and-away sa kanilang grupo. Anim ba laro bawat isa na may kabuuang 24 games. Magsisimula ito sa stage set sa October 2022 hanggang February 2023.

Dalawang EASL Group Stages games ang ikakasa tuwing Miyerkules ng gabi.
Ang top 2 team kada group ay aabanse sa Final Four. Pagkatapos ay sa sudden death semifinals. Ang Championship matches naman ay idaraos sa March 2023.