
PAHINGA sa mga bakla roles itong si EA Guzman. Kung hindi mo kilala ang actor mapagkakamalan mo itong bading, dahil sa husay niyang umarte sa mga gay roles.
“Hindi ko naman tuluyang iiwan ang mga gay roles, iyon nga lang kasi nata-typecast na kasi ako sa mga ganoong roles. Hindi naman sa ayaw ko, kaya nagdesisyon akong mag pahinga muna. Pero babalik naman ako, pero sa ngayon hindi muna.
“Saglit lang naman ang pagpapahinga ko, dahil may gay role akong gagawin sa ‘Bubble Gang’ ang Super Mamshie. Isa itong superhero na fabulous na magtatanggol sa mga “Accla” laban sa mga mapang-api mga bad guys. “Plano ko ring gumawa ng pelikulang bading ang role ko sa isang teleserye. Kaya ok lang na back to gay role uli ako.”
More Stories
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)
GO, AQUINO, DELA ROSA NANGUNGUNA SA SENATORIAL RACE — PARTIAL RESULTS NG COMELEC