May 18, 2024

E-GILAS, NAGTALA NG BLOWOUT VICTORY, 78-40 SA VIETNAM SA FIBA ESPORTS OPEN III

Nagtala ng blowout victory ang E-Gilas Pilipinas sa pagbubukas ng FIBA Esports Open III Southeast Asia Conference. Tinalo ng E-Gilas ang Vietnam na may 38 point lead, 78-40.

Bumida si Shintarou sa national team sa pagtatala ng 26 points mula sa 8-of-13 shooting.

Mayroon din siyang 12 assists, 4 boards at 1 steal.Nag-ambag naman si Rial ng 24 points mula sa 10-of-14 shooting.

May tangan lamang 4 lead sa early stages ng match, rumatsada ang national team sa 18-2 run. Kung kaya, naitala nito ang 29-9 margin sa second quarter.

Nagrehistro naman si Cluster ng 11 markers, 6 steals at block. Sisikapin ng E-Gilas na pumalaot sa semifinals spot sa pagharap sa Mongolia mamayang alas 9:40 ng gabi.