November 26, 2024

DUTERTE TODO-DEPENSA KAY DUQUE (Bigyan n’yo ko ng dahilan para sibakin siya – Pangulo)


NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan siya ng mga dahilan kung bakit dapat sibakin si Health Secretary Francisco Duque III,

Ayon sa Presidente, ito’y magiging isang “malaking kawalan ng katarungan” kung tatanggalin si Duque sa Gabinete.

“Kawawa naman ‘yung mama. Gusto nila, do you want me to fire Duque? Gusto mo paalisin ko? Give me a reason bakit ko paalisin,” saad ni Duterte nitong Sabado ng umaga.


Sinabi rin ni Duque na ang mga pagkukulang ni Duque ay nasa kanya dahil siya ang mismong kumuha sa Health chief para isama sa kanyang Gabinete.

“Hindi naman ‘yan nag-apply, nakiusap. Hindi nakiusap na ‘Kunin mo ako.’ Ako ang kumuha so anong pagkakamali niya? Sa akin ‘yan,” saad niya.


“You want to oust him for what? Ano ba ang nagawa niyang kasaaman? May dalawang asawa siya? Wala tayong pakialam niyan, dagdagan mo pang isa, secretary, para tatlo,” dagdag niya.

Sambit pa niya na ang dapat sibakin sa kanyang mga tauhan ay ang mga sangkot sa korapsyon o nagpabaya sa tungkulin.

Sinabi ng Pangulo na makakagawa siya ng isang “great injustice” kung sisibakin niya si Duque sa harap ng isyu ng “deficiencies” sa paggamit ng Department of Health sa multi-billion COVID-19 funds nitong 2020. “I could be doing a great injustice. Alam mo kung bakit? Ako ang kumuha [sa kaniya] and he is performing. ‘Pag pinaalis ko ‘yan si Duque, lifetime sabihin diyan, ‘Alam mo pinaalis ‘yan kasi may corruption sa ano.’ Just imagine the injustice that you inflict on your fellow human being,” saad niya.

“Hindi ako ganoon kung mag-perform ka. Ngayon kung magnakaw ka diyan puwede pa kita ipapatay para tapos ang problema ko. Tapos niyan, pakulong ako. Okay lang ‘yan,” dagdag niya.