
Uminit si Duncan Robinson mula sa bench ng Miami Heat at naakay nito sa team ang pagkuha sa Game 1. Inihaw ng Heat ang Atlanta Hawks sa blow-out win, 115-91 sa East Round 1 ng 2022 NBA playoffs.
Nagbuslo ng kabuuang 27 points si Robinson. Kung saan, naglista siya ng 9-out-of 10 fieldgoal. Gayundin ang 8-out-of 9 sa tres. Nag-ambag naman si Jimmy Butler ng 21 points, 6 boards at 4 assists.
Habang si P.J Tucker naman ay lumagare ng 16 points, 5 boards. Sa panig naman ng Hawks, naglista si Trae Young ng 8 points, 6 boards at 4 assists. Lamang sa serye ang Heat na 1-0 at idaraos ang Game 2 sa balwarte nila sa Miyekules.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT