May 18, 2024

DUBAI, BUKAS BILANG HOST SA OPENING NG PBA 46TH SEASON

Bukas ang Dubai upang pagdausan uli ng PBA games ayon sa source. Interesado umano ito upag maging host sa opening ng 46th season.

Nagdaos na minsan ang liga ng laro sa Coca-Cola Arena. Kung saan, dito ginanap ang ilan laro. Kabilang na ang Barangay GInebra San Miguel, San Miguel at NLEX noong Ocotber 2019.

Ang naturang grupo rin ang nagpadala ng proposal sa PBA noong 2020 para sa Season 46 bubble.

Subalit,tinimbang pa ng liga ang sitwasyon. Ang offer ay ginawa noong Setyembre 2020. Ngunit, ipinasya ng PBA na i-resume ang season noong October.

Ang Coca-Cola Arena ay isa sa 20 entities na nagbid para sa pagho-host ng bubble. Pero, ginawa ang bubble sa Clark, Pampanga.

Labis naming ikinagalak ng liga ang alok at nananatiling option ang Dubai para sa future games. Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, tinatalakay na nila nais ng liga na gawin ang All-Star festivities doon.

.