Humarap ngayong araw ng Biyernes ang umano’y doppelganger ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa tanggapan ng National Bureau of Investigation sa Quezon City.
Dumating ito kaninang pasado alas-2 ng hapon sa NBI para harapin ang mga ibinabatong alegasyon laban sa kaniya para lituhin umano ang mga awtoridad.
Sa pagharap ni Salazar sa NBI, nakasuot ito ng light green shirt, jeans, nakasuot ng face mask, nakasalamin at nakalugay ang mahaba nitong buhok na tulad ng kay Alice Guo bago ito magtago sa mga awtoridad.
Matatandaan na una ng nakausap ni NBI assistant director for investigation service Lito Magno si Alice Guo matapos maaresto ito sa Indonesia. Dito, ipinakita ng NBI official kay Guo ang isang larawan sa kaniyang cellphone at tinanong kung siya ang babaeng nasa larawan, subalit itinanggi ito ng ex-mayor at sinabing ito ay kaniyang staff.
Nauna na ring sinabi ng NBI na posibleng ginamit ang nasabing aid ni Guo na kinilalang si Catherine Salazar bilang decoy o pagmukhain siyang si Alice Guo para lituhin ang mga awtoridad sa kanilang paghahanap noong panahong nagtatago ang ex-mayor noong Hulyo.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA