May 5, 2024

DONNIE NIETES, OLATS SA REMATCH KAY JAPANESE KAZUTO IOKA

Bigo si Donnie Nietes sa boxing rematch nila ni Kazuto Ioka na idinaos sa Ota City General Gymnasium sa Tokyo. Palya rin ang binansagang ‘Ahas’ na maagaw ang WBO super flyweight belt.

Nasilat ng Japanese pug ang 40-anyos na Pinoy boxer via unanimous decision. Pumabor kay Ioka (29-2, 15KO’s) ang 2 judges, 118-110, 120-108. Habang nakuha naman ni Nietes ang iskor na 117-111 sa isang judge. Nadepensahan din ni Ioka ang belt sa ikalimang pagkakataon.

 (File:Photo by Philip FONG / AFP)

Nabawian din ng Japanese si Nietes (43-2-6, 23 Kos) sa una nilang bout. Tinalo ng huli si Ioka sa una nilang laban sa Macau noong December 31, 2018. Ito rin ang first loss ni Nietes sa loob ng 18 taon sapol pa noong 2004.

Pinuntirya ng 33-anyos na si Ioka ang katawan ni Nietes.kaya naging madali na rito ang pagpakawala ng opensa. Hindi naman napanatili ng Pinoy ang kanyang tikas sa mas batang si Ioka.