May 19, 2024

DONALD TRUMP, SINABING HENYO SI PUTIN, ISTUPIDO SI BIDEN!

Nagsalita na si dating U.S president Donald Trump kaugnay sa Russian Invasion sa Ukraine. Iginiit din nito na siya ang talagang nanalo sa 2020 presidential election sa U.S.


Aniya, sinabotahe ang election at pinalabas na si Joe Biden ang nanalo. Kasabwat ang malalaking news media pabor kay Biden.


It all happened because of a rigged election,” ani Trump sa Fox News. Isa aniyang impostor na commander-in-chief ng Amerika si Biden.


Sinabi rin nito na si Russian president Vladimir Putin na isang genious at savvy. Na nagnanais ng kapayapaan sa panig ng dalawang bansa.


Patungkol kay Biden, natutulog daw ito sa pansitan nang mangyari ang invasion sa Ukraine. Nangyari raw ang tensyon dahil sa ka-istupiduhan ni Biden.