Muling sasampa si Dirk Nowitzki sa Dallas Mavericks hindi upang maglarong muli. Kundi, gagampanan niya ang bagong papel sa team.
Itinalaga ni Mark Cuban ang ‘German Assassin’ bilang special advisor ng Mavericks. Tutulong sa paggbay si Dirk sa head coach at general manager ng team.
“Mark Cuban approached me about a role as special advisor and I am happy to support my Mavs,” ani Nowitzki.
“Donnie Nelson and Rick Carlisle were both mentors and played huge roles in my career and the success of this franchise.”
“I am going to miss them. It is important for me now to join Mark and contribute as much as I can as we move forward,” aniya.
Si Nowitzki ay naglaro sa Dallas ng 21 season at mayroong 1 championship ring sa loob ng 2 inals appearances. Naging 2011 Finals MVP din siya laban sa Miami Heat/
Naging 14-time All Star at kasama sa Top 10 all-time leading scorers na nakaipon ng 31,560 points.
Sa kabuuan ng kanyang career, may average siyang 20.7 points, 7.5 boards at 2.4 assists per game.May average siyang 33.8 minutes per game.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!