May 5, 2024

DEVIN BOOKER AT BRADLEY BEAL, MAGLALARO PARA SA TEAM USA

Nagpasya sina Devin Booker ng Phoenix Suns at Bradley Beal ng Washington Wizards na maglaro sa team USA. Kung kaya, madadagdag ang dalawa sa 12-man roster para sa Tokyo Olympics. Makakasama nila sina Jayson Tatum, Draymond Green at Damian Lillard.

oOo

Nagkasundo ang Boston Celtics at Oklahoma City Thunder sa isang deal. Kung saan, magpapalitan sila ng players. Mapuounta sa Thunder si guard Kemba Walker kapalit ni Al Holford. Naikasa ang deal sa pagnanais na rin ni Walker na umalis sa Celtics.

oOo

Nais ng pamilya ni Zion Williamson na umalis na siya sa New Orleans Pelicans. Sa kabila ng kontribusyon niya sa team, wala itong kinabukasan doon. Nais nilang mapunta sa isang de-kalidad na koponan ang 20-anyos na player.