April 30, 2024

‘Di raw umaasa sa suntento ng dating asawa… SARAH LAHBATI, KAYANG BUHAYIN ANG KANYANG 2 ANAK

BACK to work ang magandang actress na si Sarah Labhati, dahil malaya na siya ngayon ay pwede na raw niyang gawin ang mga trabahong gusto niyang tanggapin.

“Iyong kontrata kong katatapos lang sa Viva, renewable na man iyon. Sa ngayon ginagawa ko itong ‘Lumuhod Ka Sa Lupa,’ na mapapanood nila sa April 8, 2024 – Monday at magsisimula sa ganap na 2:30 ng hapon after ‘Eat Bulaga’ sa TV5.

“Okay naman ang co-parenting namin ni Richard Gutierrez, pero I need to work, ayaw kong umasa sa iba at kaya ko namang buhayin ang dalawa kong anak na sina Zion at Kai kahit walang sustento ng dati kong asawa.

“Never kong pilitin o i-require si Richard, kahit obligasyon niya sa aking mga anak na sustentuhan ito. Kaya nga, I am working hard so I can provide for my kids,” salaysay pa ni Sarah Lahbati.