April 30, 2024

Antonette, kabahan na raw… WHAMOS, MAY BIRTHDAY GIFT KAY ANDREA BRILLANTES

BONGGA ang birthday gift ni Whamos kay Andrea Brillantes, isa itong mamahaling original na Rolex.

“Hindi nga ho makapaniwala si Blythe, dahil mahal ang Rolex watch kaya napayakap na lang siya kay Whamos.

“Pa Birthday gift at pasasalamat iyon ni Whamos at ng kanyang asawa na si Antonette Gail, dahil pinagbigyan ni Blythe na mag-collab silang tatlo na hindi naman sila binigo ni Andrea Brillantes.

“Biro nga ng mga netizens, kabahan na raw si Antonette Gail dahil lahat ng lalakeng nali-link kay Blythe ay nagiging boyfriend nito,” paliwanag pa ni Miss. Bubuwit na aking source.