
MARAMI ang pumupuri kay Megastar Sharon Cuneta, dahil sa determinasyon niyang magpapayat. Maski si Ms. Sharon Cuneta ay sobra-sobra rin ang tuwa, dahil hindi niya talaga tinantanan hangga’t hindi niya nakakamtan ang tamang timbang na kanyang inaasam.
“Hindi ho birong sakripisyong ang ginawa ni Tita Shawie, ilang taon din hong sakripisyo ang kanyang binuno makuha lang niyang muli ang hugis ng kanyang katawan. Pero mukha naman hong nasobrahan ang kanyang pagpapayat.
“Lumabas kasing losyang ang kanyang dating sa madlang people, pati ang kanyang braso at balat ay nag-sag. Nag mukhang matanda si Ms. Sharon, pero tinitiyak naman nila na kayang-kayang lunasan ni Sharon ang problema niyang kinahaharap sa ngayon. Dahil mapera naman si mega. Kaya pinaaabot niya sa kanyang mga fans na, kayang-kaya niyang ibalik ang maganda niyang pigura ng kanyang katawan,” pahayag ng aking source na malapit kay Megastar Sharon Cuneta.
More Stories
PASIG CITY HALL PROJECT, SOBRANG MAHAL? Curlee Discaya: ‘Overpriced ang P9.6B, Dapat P2.7B lang’
Mag-ina binaril ng selosong live-in partner, suspek nagpakamatay! KRIMEN SA SELDA NG PAG-IBIG
VP SARA SUMIPOT SA DOJ PARA SAGUTIN ANG REKLAMO SA BANTA SA MGA MARCOS