Wala man lamang bang gagawin ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban kay Zaldy Co, gaya ng pag-kansela sa pasaporte nito bilang Pilipino?
Ang DFA na walang silbi na para umakto sa isang sibilyan na tumatangan ng isang pasaporte ng Pilipinas at pinababalik sa bansa upang sagutin ang pagkasangkot nito sa bilyong pisong flood control project .
Nagbitiw sa pagiging kinatawan ng Ako Bicol Partylist dahil ayaw nitong magbalik sa Pilipinas upang sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya ay hinahayaan lamang ng DFA na magpalipat-lipat ng bansa sa buong mundo, tangan ang pasaporte ng Pilipinas!
Kadalasan ang batas talaga sa Pilipinas ay umiiral lamang kapag ang nasasangkot ay walang impluwensya at walang pera.
Ang isang ordinaryong Pilipino, pinaghihirapan at pinag-iingatan ang kanyang tangang pasaporte sapagkat íto’y simbulo ng pagkakakilanlan. At sakaling magamit o masangkot ito sa anomalya o ano mang kaso tiyak makakasuhan.
Pero sa kagaya ni Zaldy Co na makapangyarihan, kaibigan ng mga pinuno ng bansang ito, hindi man lamang ito makuhang masita ng DFA. Bakit? Kapabayaan ba ito o dahil sa impluwensya?
Walang ginagawa ang DFA upang kanselahin ang pasaporte nito para hindi na nito magamit sa plano nitong pagtalon-talon sa ibat-ibang bansa.
Masaklap na katotohanan mga Cabalen, kawawa ang maliliit na mamamayan na kay tagal nang nagtitiis!
Magising na tayo mga kababayan! Lalo na ang mga inabandona ni Zaldy Co, ang mga nagtiwala sa kanya upang iupo siya bilang kanilang kinatawan sa kongreso.
May mapapagkatiwalaan pa ba tayo mga Cabalen? Halos lahat sila may mga itinatagong kabulukan.
Only in the Philippines, na ang mandarambong sa halip na makonsensya at magsisi, pinapatakas dala ang ninakaw sa kaban.
Ang pagtakas ni Zaldy Co ay hindi para magpagamot, kundi upang tangkaing magtago at hindi panagutan ang kanyang akusasyon ng pagnanakaw sa bilyong halaga ng flood control project.
