May 5, 2024

DENVER NUGGETS, PUMALAG PA SA GAME 4 SA PAGLASON SA WARRIORS

Nakatakas ang Denver Nuggets sa peligrosong pagwalis sa kanila ng Golden State Warriors. Nilason ng Nuggets ang Warriors, 126-121 sa Game 4 ng West Round 1. Lumagare si Nikola Jokic ng 37 points at 8 boards para sa Nuggets.

Maganda rin ang production ni Monte Morris na may 24 points at 5 assists. Kung saan, 19 points ang naibuslo nito sa 2nd half.

Nag-ambag naman si Aaron Gordon ng 21 points, 6 boards at 4 assists. Buwenas din ang opensa ni DeMarcus Cousins na gumawa ng 10 points. Pati na rin si Bones Hayland na may 15 points.

Nasayang naman ang itinalang 33 points at 8 assists ni Steph Curry. Bumira naman si Klay Thompson ng 32 points at 4 rebounds. Habang si Andrew Wiggins ay nagposte ng 20 points at 6 boards.

Gayunman, lamang pa rin sa series ang Golden State sa kartadang 3-1. Idaraos ang Game 5 sa home court ng Warriors sa Miyerkules.