May 4, 2024

DENVER NUGGETS AT MILWAUKEE BUCKS, PANALO SA GAME 2

Nakabawi ang Denver Nuggets sa PortlandTrailblazers sa Game 2 ng Western Conference playof series. Pinulutan ng Nuggets ang Blazers sa Game 2 sa iskor na 128-109.

Dahil dito, naitabla ng trpa ni Nikolai Jokic ang series sa 1-1. Bumuslo si Jokic ng 38 points, 8 rebounds at 5 assists.

Tumulong din sa panalo ng Denver si Michael Porter Jr na gumawa ng 18 points. Kumamada rin ito ng 4 boards at 2 steals.

Nasayang naman ang 42 points, 4 boards at 10 assists na ginawa ni Damian Lillard sa Blazers. Gayundin ang inambag ni CJ McCollum na 21 points, 6 boards at 2 assists.

Sa iba pang laro, ibinaon ng Milwaukke Bucks ang Miami Heat sa 0-2 deficit sa playoffs. Sinuwag ng Bucks ang Heat sa Game 2 sa iskor na 132-98 blow-out win.

Nanguna sa panalo ng Bucks si Giannis Antetokounmpo. Bumuslo ang ‘The Greek Freak ng 31 points, 16 boards at 4 assists.

Nag-ambag naman si Khris Middleton ng 22 points mula sa 6/9 sa three points at 5 boards.