May 5, 2024

DENVER NUGGETS, ABANSE SA WEST SEMIS MATAPOS IDISKARIL ANG PORTLAND TRAILBLAZERS

Opisyal nang umabanse sa semis ang Denver Nuggets sa Western Conference playoffs. Winalis ng Denver ang Portland TrailBlazers sa Game 6 sa iskor na 126-115.

Tinapos ng Nuggets ang series sa kartadang 4-2.

Bumida si Nikola Jokic sa Denver sa pagbuslong 36 points, 8 boards at 6 assists.
Nag-ambag naman si Michael Porter Jr ng 26 points, 5 boards at 4 assists.

Bumanat naman si Aaron Gordon ng 13 points, 7 boards at 4 assists.

Sa panig naman ng Portland, gumawa si Damian Lillard ng 28 points, 4 boards at 13 assists. Tumikada naman si CJ McCollum ng 21 points, 4 boards at 3 assists.

Nagawang mababangon ng Nuggets mula sa 14 point deficit sa second half. Mula rito, naitakas na nila ang laro.