April 25, 2024

Denden Lazaro ng Flying Titans, sinopla ang pa-epal na fan

Hindi naitago ni Denden Lazaro-Revilla ang kanyang hinanakit sa isang fan. Na binubuska siya patungkol sa kanyang laro’t asal sa Choco Mucho Flying Titans. Nagtimpi nung una si Denden, pero napuno na at ibinulalas niya ito sa kanyang Kumu account.

Hindi lang siya ang nakaka-engkwentro ng magaspang na trato ng fans sa sidelines. Kundi, pati ang teammate na si Deanna Wong. Na niyaya sila na makipagsayaw.’ O kaya naman ay bigyang atensyon sa hinihinging pabor. Kapag hindi nila napagbigyan ay sasabihang masama ang ugali nila.

Pinatamaan ng fan sina Lazaro at Wong sa post nito sa Twitter. Umalma naman dito ang Flying Titans libero. Kaya, nagtrending ngayon ang litany ni Lazaro na umabot na sa 16,000 ang comments.

 “We’re not there to… it’s not a mall show!”aniya na naging emosyunal sa nasabing isyu. Sinopla din nito ang fan na binuska si Wong na tumanggi sa hiling. Na para bagang obligasyon pa ng players na entertain-in ang mga fans— ng higit sa paghiyaw at pagtili lang sa court.

“We’re playing. Sana ma-respect niyo, for those fans na ganun,” she went on. Please naman, intindihin n’yo. Where I’m coming from, or where the others are coming from, because that’s not proper etiquette,” aniya.