
KAHIT malungkot ang mga Noranians sa naging resulta ng announcement ng Metro Manila Film Festival, hindi na sila pumalag pa. Dahil nasa idolo na nila ang pinakamataas na award, ang National Artist Award.
“Tahimik ang kampo ni Ms. Nora Aunor, kahit laglag ang entry niyang ‘Pieta’ marami pa naman pwedeng puntahan ang kanyang pelikula. Iyong pambabastos nila kay Nora, pinapasa-Diyos na lamang nila iyon, dahil alam naman nilang instant ang karma.
“Malinaw na binasura talaga ang movie ni Ms. Aunor, pero ayaw nang mag-react pa si Nora. Basta siya ang hangad na lamang niya ay kumita ang lahat ng entry sa Metro Manila Film Festival 2023,” salaysay pa ng aking source.
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon