May 17, 2024

Wala raw namamagitan… DAVID & BARBI, ‘DI RAW NAGKAKAIGIHAN

NANINIWALA ba kayong walang development process ang nangyayari kina Barbie Forteza and David Licauco? Huwag daw bigyan ng ibang pakahulugan ang pagpunta nina Barbie at David sa Hong Kong.

“Paanong hindi bibigyan ng malisya ang pag-punta nila ng Hong Kong, gayung biglaan at hindi nila sinabi kung ano talaga ang gagawin nila doon.

“Hindi natin masisisi ang kanilang mga fans kung magtaka ang mga ito, dahil alam nilang si Jak ay boyfriend ni Barbie at alam nilang hindi ito sisirain ni Barbie,” chika pa ng aking source.