
INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BIR) na hanggang ngayon na lang, Abril 15, 2025, at wala nang palugit para sa filing at pagbabayad ng 2024 Annual Income Tax Returns (AITR).
“There will be no extension,” pahayag ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr.
Ayon sa kanya, dapat tiyakin ng mga taxpayer na maayos at maagap ang kanilang pagbabayad upang maiwasan ang multa.
Bilang tugon sa inaasahang dagsa ng mga magpapasa ng buwis, nagbukas ang ilang bangko hanggang alas-5 ng hapon mula Abril 1 hanggang Abril 15, at nag-operate din sa dalawang Sabado, Abril 5 at Abril 12. Naglagay rin ang BIR ng mga e-Filing center sa iba’t ibang lugar gaya ng National Training Center sa Quezon City para tumulong sa mga taxpayer.
Ipinapaalala ng BIR na kailangan ngayong araw ang filing ng BIR Form 1702-RT/EX/MX (para sa korporasyon), kalakip ang Audited Financial Statements (AFS), BIR Form 1709 (kung kailangan), at iba pang mga dokumento para sa taong nagtapos noong Disyembre 31, 2024. Dapat ding isumite ang BIR Form 1707-A, para sa Capital Gains Tax mula sa bentahan ng stocks na hindi dadaan sa local stock exchange.
Kabilang din sa mga due ngayong araw ang BIR Form 2200-M (Excise Tax Return para sa Mineral Products) para sa unang quarter ng 2025.
Para sa mga gumagamit ng e-Filing at e-Payment, kailangang isumite ang sumusunod:
- BIR Forms 1700, 1701, at 1701A, kalakip ang mga attachment para sa 2024
- BIR Form 1601-C (para sa eFPS Group A, Marso 2025)
- BIR Form 1702-RT/EX/MX, para sa taong nagtapos noong Disyembre 31, 2024
Para naman sa e-Payment lang, kailangan pa ring magbayad ng BIR Form 1601-C ang mga eFPS Group E, D, C, at B para sa buwis ng Marso 2025.
Ipinapaalala rin ng BIR na ngayong araw ang huling araw ng registration para sa loose-leaf books of accounts, invoices, at iba pang accounting records para sa mga negosyo na nagtapos ang fiscal year noong Marso 31, 2025. Maaari itong gawin sa Online Registration and Update System (ORUS) o sa manual na paraan.
Kailangan ding isumite sa BIR ang mga sumusunod na dokumento ngayong araw:
- Updated master list ng mga bagong rehistradong taxpayer at may renewed business permit (2024–2025)
- Master list ng mga nagtapos na negosyo noong 2024
- Listahan ng mga medical practitioner (Q1 2025)
- Quarterly list ng mga contractor para sa LGU government contracts
- Kopya ng Quarterly Updates of Assessment Roll mula sa LGUs
- Quarterly inventory ng mga naibentang makina
- Monthly summary report ng mga nailipat na titulo at real property mula sa city/municipal assessors at Land Registration Authority
- Summary list ng mga blankong OCTs, TCTs, at CCTs na inisyu sa mga RDs
Hinikayat ng BIR ang lahat ng taxpayer na tingnan ang kumpletong listahan ng mga kailangang isumite upang maiwasan ang multa at abala.
More Stories
86 DRIVER, 2 KONDUKTOR POSITIBO SA SURPRISE DRUG TEST NG PDEA NGAYONG SEMANA SANTA
P102 milyong halaga ng shabu, nasabat sa checkpoint sa Samar
DepEd: Walang pagbabawal sa pagsusuot ng toga sa graduation; imbestigasyon sa Antique incident sinimulan na