May 18, 2024

DATING KONSEHAL SA TAGUIG, BINISTAY NG BALA

PATAY ang isang dating konsehal makaraang pagbabarilin sa Brgy. Ibayo, Tipas, Taguig City.

Kinilala ni Taguig City Police chief Colonel Celso Rodriguez, ang biktimang si Richard Paul Jordan, dating konsehal sa District 2 ng lungsod.

Batay sa imbestigasyon, hindi bababa sa apat na salarin ang nag-abang sa biktima at pinagbibiral siya sa mismong tapat ng kanyang inuupahang bahay.

Pagtapos paputukan ay mabilis na tumakas ang mga ito lulan ng hindi pa tukoy na sasakyan.

Naisugod pa umano sa ospital ang biktime pero ‘di kalaunay binawian din ng buhay.

Nabatid na si Jordan ay dati nang nadawit sa kasong theft at illegal drugs sa Parañaque City noong taong 2018.

Sa ngayon ay patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad at inaalam pa ang motibo sa pamamaril. (Balita ni RUDY MABANAG)