Nagbabala nitong Huwebes, Hunyo 11, si dating Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa publiko na huwag magpapaloko sa mga impostor na account na nagkalat ngayon sa social media.
Ito ay matapos ihayag at flag ni Roxas ang isang Facebook page na gumagamit sa pangalang “Korina & Mar Roxas.”
Nilinaw ng dating senador na peke ang naturang pahina at walang anumang koneksyon sa kanya o sa kanyang asawang si Korina Sanchez.
“Hi all. Letting you know that the account does not belong to Korina and I. Fake na ang account, fake pa ang storya,” pahayag ni Roxas sa kanyang opisyal na Facebook post.
BASAHIN: ‘Walang bitterness’: Marco Gumabao, masaya para sa engagement ng ex-girlfriend na si Cristine Reyes
Kasabay nito, pinaalalahanan din ng dating opisyal ang publiko na manatiling mapagmatiyag at mag-ingat laban sa mga mapanlinlang na page at iba pang uri ng online scams.
“Mag-ingat tayo sa mga umiikot sa social media para lang mambudol o manlinlang,” dagdag pa ni Roxas upang maiwasan ng mga netizen na mabiktima ng budol sa internet.
