May 2, 2024

DARREN ESPANTO, SI JILLIAN WARD ANG GUSTONG MAKA-LINK?

PALAGAY namin nagsabi lang ng totoo itong si Darren Espanto nang sabihin niyang ‘best friends’ lang talaga sila ni Cassy Legaspi.

“Huwag gamitin ni Cassy Legaspi at Carmina Villarroel ang isyu, at baliktarin na si Darren Espanto ang unang naglaglag ano?

“Kahit pasamain ninyo image ni Darren, sa bandang huli lalabas pa rin na ginagamit ninyo ang isyu para pag-usapan si Cassy na inapi kuno.

“‘User’ talaga ang mag-inang iyan, ganyan din ginawa nila kay Kyline Alcantara ng inayawan nito si Mavy Legaspi. Katakot-takot na pots ang ginawa ng Nanay ni Cassy, kaya sumama si Kyline.

“Anong magagawa ninyo ang manira para uminit showbiz career ni Cassy? Talagang matabang ang trato ng tao kay Cassy, kaya magtigil na kayo dahil hindi n’yo na maiiba pa ang trato ng madlang pipol,” mataray na pahayag ni Miss. Bubuwit.