April 29, 2024

ALYSSA VALDEZ, PLAYER OF THE GAME

BUMANGON muli ang Creamline mula sa pagkatalo matapos manalo kontra Nxled, 25-22, 25-12, 25-20 sa 2024 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa PhilSports Arena ngayong Sabado.

Bumida si Alyssa Valdes na itinanghal na player of the game matapos makapagtala ng 11 points sa 11 attacks nang dominahin ng Cool Smashers ang Chameleons upang i-improve sa 7-2 (win-loss), para palakasin ang kanilang tiyansa sa crowded race sa Final Four.

Rumesbak ang Coll Somashers sa five-set loss sa Petro Gazz noong kanilang last outing, kaya naman muling nanumbalik ang kanilang kumpiyansa bago ang rivalry game laban sa Choco Mucho noong Huwebes sa Smart Araneta Coliseum.

“Just like what coach said, it’s good for the team we’re happy na nanalo kami today, and it’s good that we had this kind of game, preparation for next game namin, and we’re really excited to play our next game” ani Tots Carlos.

Nakapag-ambag si Carlos ng 18 puntos sa 14 atake at apat na aces habang si Jema Galanza ay tumapos ng 10 puntos.

Umiskor si Ivy Lavsina ng 10 puntos para sa Chameleons.. RON TOLENTINO