May 2, 2024

DARIUS GARLAND, HERO SA PAGBISTAY NG CAVALIERS SA NETS

Patuloy ang pagbida ni Darius Garland para sa Cleveland Cavaliers sa pagtala ng double-double performance.Bumanat ang rookie ng 22 points, 12 assists at 6 boards.


Sa panig naman ng Nets, kumana si Kyrie Irving ng 27 points, 9 assists at 7 boards. Habang si James Harden naman ay bumuslo ng 22 points, 10 assists at 7 boards. Hindi naman nakapaglaro si Kevin Durant dahil sa natamong injury last game kontra New Orleans Pelicans.


Samantala, bumida naman sa panalo ng Charlotte Hornets si Miles Bridges. Nilason ng Hornets ang Nerw York Knicks, 97-87. Bumira si Bridges ng 38 points, 12 boards at 5 assists.