May 15, 2024

DANIEL SUPPORT NA LANG NINA RICHARD AT IAN SA TELESERYE

PINAPLANTSA na umano ang isang action-serye na pagbibidahan nina Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Enrique Gil at Ian Veneracion.

Ano na ang nangyari sa mga projects ni Daniel? Kahit sabihin nating action serye ito, pero sa dami nila tiyak na pantay-pantay ang kanilang mga roles. Sino kaya ang lulutang sa kanilang apat?

“Parang hindi makakatulong ang action serye na iyan kay Daniel Padilla, hindi naman pwedeng pokus lang sa kanya ang istorya.

“Kahit sabihing sikat siya, pero mangingibabaw tiyak ang husay sa action role nina Richard Gutierrez at Ian Veneracion.

“Ang labas nina Daniel Padilla at Enrique Gil ay pang-dagdag na lamang huwag lang masabing wala sila sa nasabing action serye na wala pang title. “Ano ba ang nangyayari ngayon sa career ni Daniel? Wala na talagang aasahang solo project niya? Kapag ganyan, dapat mag-solo actor na lamang si Daniel Padilla,” malungkot na pahayag ni Miss. Bubuwit na aking source.