May 28, 2024

DANIEL PADILLA, TINABLA NA NG TULUYAN NI KATHRYN BERNARDO

DAPAT move on kana Daniel Padilla, kasi si Kathryn Bernado hangga’t maaari ay ayaw ng marinig ang mga pinaggagawa mo sa sarili mo.

Pareho lang naman kayong nasaktan ni Kathryn, kung tutuusin lamang ka pa nga dahil ilan ba ang naging babae mo si Kathryn ngayon lang na involve sa lalake pero loveteam lang ang dating.

“Ang balita ko hindi raw matanggap ni Daniel na iniiwasan siya ni Kathryn, dahil dapat ay may re-newal contract signing silang dalawa sa isang commercial pero hindi ito sinipot ng actress.

“Talagang umiiwas na si Kathryn kay Daniel, dahil kung hindi ay bakit niya nagawang hindi siputin ang nasabing contract signing?

“Ang balita ko, nawalan na raw talaga ng amor si Kathryn kay Daniel, kaya mas minabuti nitong ibahin ang araw ng contract signing niya. “Wala na talagang aasahan pa si Daniel na magkabalikan pa sila ni Kathryn, dahil ayaw na niyang makasama ang actor hangga’t maaari,” sad na wika ni Miss. Bubuwit na aking source.