April 30, 2024

4-ANYOS NALAGLAG MULA 27/F NG CONDO PATAY

AGAD binawian ng buhay ang 4-anyos nang mahulog mula sa 27-palapag ng condominium building sa Cebu City.

Ayon kay Mabolo Police Station chief PMaj. Romeo Caacoy, iniwang natutulog ng ina ang kanyang anak na batang lalake sa kanilang condo unit sa Barangay Lahug para magkape dakong alas-6:00 ng umaga kahapon.

Kalaunan ay nahulog ang bata sa canopy sa third floor ng condominium. Isinugod ng medics ang naturang bata sa malapit na ospital pero idineklarang dead on arrival.

Hinihintay na ng mga awtoridad ang kuha ng CCTV footage sa condo para malaman kung mayroon naganap na foul play sa insidente.

Nangako naman ang pamunuan ng building na magsasagawa sila ng masusing pagsusuri sa insidente at ipapatupad ang anumang kinakailangan na hakbang para hindi maulit ang ganitong uri ng insidente.

Pinaigting idn nila ang security measures at nagdagdag ng tauhan sa lugar.