January 24, 2025

Dallas, minasaker ang LA Clippers; Brooklyn, pinamaga ng Hornets

LOS ANGELES (AFP) – Nagtala ng impresibong 50-point lead ang Dallas Mavericks sa halftime kontra Los Angeles Clippers.Nagtapos ang first half sa 77-27 na largest margin at the break sa NBA. Ito ay ayon sa Elias Sports Bureau.

Kaya naman, minasaker ng Mavericks ang Clippers, 124-73. Kumana ng 24 points si Luka Doncic sa Dallas.

Naglista din si Doncic ng 8 boards at 9 assists. Samantala, nanguna naman si Paul George sa Clippers. Kumana ito ng 15 points at 4 assist. Nag-ambag naman si Serge Ibaka ng 9 boards.

Sa Charlotte naman, bumira ng 28 points si Gordon Hayward. Dahilan upang silatin ng Hornets ang Brooklyn Nets, 106-104.

Sinamantala ng Hornets ang maalat na shooting ng Nets. Nagdagdag naman si Terry Rozier ng 19 points.

Si P.J Washington naman ay nagbuslo ng 14 points at humablot ng 12 boards sa Hornets. Nanguna naman si Kevin Durant sa Nets sa pagbira ng 29 points.

Si Kyrie Irving naman ay gumawa ng 25 points. Tinambakan ng Hornets ang Nets at sinubukang habulin ang 16 point lead sa fourth quarter.

Ngunit, kinapos sila nang sumablay ang fadeaway jumper ni Durant, may 7.4 seconds na lang ang natitira, 104-104 all.Ang free throw ni Rozier ang nagpanalo sa Charlotte.