November 23, 2024

DALAWA NA DAPAT ANG GOLD MEDAL NG BANSA SA OLYMPICS

Meron na ba talagang nasungkit na gold medal ang Pilipinas mula nang unang lumahok ang ating nasyon noong 1924 Summer olympics sa Paris, France?

Ito ay bago makasungkit ng gold si Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics?

Para sa marami, wala pa. Pero, noong 1988 Olympics sa Seoul, South Korea, nasungkit ni Pinay bowler Arianne Cerdena Valdez, ang unang gold medal sa bowling (Ten Pin).

Bagama’t malaking karangalan ang naibigay niya sa bansa, hindi ibinilang sa medal tally ang nasungkit na medalya ni Cerdena.


Ito ay sa kadahilanan na ang bowling event kung saan siya naglaro ay hindi kabilang sa official event Bagkus, ito ay kabilang lamang sa demonstration sport.


Si Cerdena ay kabilang sa national bowling team ng bansa noong 1981. Dahil sa panalo sa Seoul olympics, hinirang na “ 1988 World Bowler of the Year” awardee si Cerdena.


Subalit noong 2001, huminto na sa karerang pampalakasan si Cerdena pagkatapos maiambag ang huling gold medal para sa bansa sa Asian Games Kabilang na rin siya sa mga Olympian “Hall of Famer” sa hanay ng ating mga pambansang atleta.