May 14, 2024

DAHIL SA MAINGAY NA MOTOR, KAPITBAHAY PINATAY

NASA kustodiya na ngayon ng Las Piñas City police ang 71-anyos na lalaki matapos barilin ang kanyang kapitbahay at ikinasugat ng isa pa matapos ang mainit na pagtatalo dahil sa maingay na motor noong Pebrero 10.

Sumuko sa pulisya si Ernesto Francisco, resident eng Abrille Street, BF Resort Village, Talon 2 sa nasabing siyudad.

Ayon kay Las Piñas Police chief Col. Rodel Pastor, sumuko si Francisco matapos matunton ng pulisya ang kanyang pinagtataguan kasama ang kaanak sa Tagaytay City.

Nabatid na nagtago si Fransico matapos ang nangyaring pamamaril na ikinamatay ni Ricky Dimatuluc, 50, at ikinasugat ni Dominic Duclayan, 38 – kapwa kapitbahay ng suspek.

Idineklarang dead on arrival si Dimatulac sa University of Perpetual Help Hospital habang patuloy na sinusubaybayan si Duclayan.

Matapos ang pamamaril, agad sumakay si Francisco sa kanyang sasakyan na Ford Everest. Sinabi ni Francisco sa pulisya na bago ang insidente ay kinompronta niya si Duclayan dahil maingay na motorsiklo nito.

Ilang beses na rin inirereklamo ng suspek kaugnay sa ingay ng kanyang motorsiklo sa tuwing dadaan sa kanilang bahay. Naabala aniya ang kanyang mga apo na nag-aaral sa ilalim ng blended learning.

Ayon kay Pastor, itinapon daw ni Francisco ang kanyang baril habang patungko sa kanyang kaanak sa Tagaytay.

Kasong murder at frustrated murder ang isasampa laban kay Francisco.