May 19, 2024

Dahil nagsara ang ABS-CBN… ANGEL LOCSIN, PATULOY NA NAG-IINGAY SA SOCIAL MEDIA

PATULOY daw na nag-iingay itong si Angel Locsin, na kung tutuusin ay hindi naman talaga siya gaanong naapektuhan sa pagsasara ng ABS-CBN.

Kahit kalahati ng kanyang TF sa ngayon ay pwede pa rin naman siyang magbuhay milyonaryo.

Gusto lamang ni Angel Locsin, na mabigyan ng chance na makapagpasaya silang muli sa kanilang mga followers.

Ang hiling lang niya ay kung maaari ay bigyan nang pagkakataon na muling makabangon ang kanilang Network para kahit papaano ay patuloy na makapagtrabaho ang mga empleyado ng ABS na nawalan ng trabaho.

Pero ngayong milagro na silang makabalik, hindi maiaalis na maglabas ng sama ng loob ang actress.

Kahit anong gawing pag-iingay ni Angel, walang epek ito sa mga politikong ipinaglalaban lamang daw nila ang tama at ipatupad ang nararapat.

Manahimik na lamang daw si Angel, dahil maraming violation ang nagawa ng kanyang Network.

Huwag daw niya itong ipagtanggol sa mga maling gawa ng kanilang Network dahil hindi rin naman daw siya makatutulong sa muling pagbabalik ng nasabing Kapamilya Network.