May 15, 2024

Dahil bawal ang bisita, cardboard standee ng magulang ng bagong abogado binitbit sa SC

NAKAGAWA ng paraan ang isang bagong abogado para maibahagi sa kanyang mga magulang ang mahalagang araw ng pagpirma sa Roll of Attorney sa Korte Suprema.

Dahil bawal ang bisita sa Korte Suprema, dinala ni Aivan Charles Torres ang cardboard standee ng kanyang mga magulang ngayong Huwebes para sa naturang seremonya.

Kasalukuyang nasa Pampanga ang kanyang mga magulang na hindi makadalo gawa ng pahirapan sa pagbiyahe.

Isa si Torres sa 2,103 na nakapasa sa 2019 Bar Exams.