April 28, 2024

DAGDAG KAMA SA OSPITAL, PANGAKO NI DIZON

Nangako si National Task Force Against COVID-19 (NTF) deputy chief implementer Vivencio Dizon,ng karagdagang kama sa mga hospital na nasa NCR Plus areas para sa COVID-19 patients.



Sa isang Palace briefing, sinabi ni Dizon na nakipagpulong na sila sa pampubliko at pribadong ospital sa National  Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal kung saan nangako sila ng karagdagang 176 karagdagang intensive care unit (ICU) beds at mahigit sa 1,000 ward beds sa kanilang pasilidad.

Ito aniya ay dahil sa patuloy na pagdami ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa NCR Plus.

Sa kasalukuyan nasa kritikal na lebel pa rin ang utilization rate ng ICU beds sa Metro Manila at kalapit na lalawigan.

Lumalabas sa datos ng Department of Health na 82% ng 700 ICU beds sa NCR Plus ang nagamit na ngayong Abril 21.