May 16, 2024

DAAN-DAANG SLICE BREAD, MEDICINE KITS IPINAMAHAGI NI MAYOR JORIC GACULA

MATAGUMPAY na naipamahagi ang daan-daang slice bread at medicine kits ng Pamahalaang Bayan ng Taytay, Rizal sa mga residente ng Exodus Floodway, Barangay Sta. Ana.

Ang programa ay pinangunahan ni Taytay Mayor Joric Gacula.

Layunin ng programa na sa kabila ng pandemyang nararanasan sa bansa dulot ng coronavirus disease 2019 ay patuloy pa ring mabigyan ng tulong ang mga residente ng naturang bayan.

“Kami na po ang mismong maghahatid ng tulong na ito sa inyo. Pakaabangan niyo po ang aming pagbisita sa inyong lugar,” ayon sa alkalde.