Personal na pinangunahan ni Department of Agriculture (DA) Secretary Genevieve Guevarra ang pag-inspeksyon sa mga retail na tindahan ng bigas sa Mega-Q-Mart sa Quezon City ngayong Biyernes, Mayo 22, 2026.
Ang sorpresang pagbisita ay bahagi ng mahigpit na pagsubaybay ng pamahalaan sa pagsunod ng mga negosyante sa Executive Order No. 118.
Sa ilalim ng naturang kautusan, ipinatutupad ang P50-per-kilo na price cap sa bigas na tatagal sa loob ng 30 araw.
BASAHIN: REP. LEVISTE, POSIBLENG HINDI NA TUMAKBO SA SUSUNOD NA ELEKSYON
Ayon sa kagawaran, layunin ng price cap na ito na pigilan ang hindi makatwirang pagtaas ng presyo sa mga pamilihan, maiwasan ang anumang uri ng pang-aabuso sa merkado, at tiyakin na mayroong sapat at abot-kayang supply ng bigas para sa mga ordinaryong mamimili habang pinapanatili ang katatagan ng lokal na ekonomiya.
Tiniyak naman ng kalihim na patuloy na mag-iikot ang mga tauhan ng DA sa iba’t ibang mga pamilihan upang maprotektahan ang kapakanan ng mga mamimili at panagutin ang mga retail stalls na mapatutunayang lalabag sa itinakdang batas.
