ISANG larangang angkop para sa Pilipino ang larong ahedres (chess).
Hindi ito nangangailangan ng tangkad, lakas o laki ng katawan para makatunggali o higitan ang sinuman.
Mahalaga dito ay ang talas ng utak para sa diskarte upang magapi ang kalaban.
Ang huli ang siyang katangian ng Pinoy kung sa pagalingan ang pag-uusapan.
Mag-e-excel ang Pilipino diyan kahit na ang kalaban ay six-footer o isang heavyweight man.
Kaya itong pinagpipitagang lider sa larangan ng lingkod-bayan na si Larry Andes ay ang larangan ng chess ang piniling sport at his best.
Ang founder ng FLAG-Free our Lands Against Greed at LAMP-Larry Andres para sa
Mamamayang Pilipino group at Malacañang aspirant ay isa nang batikang woodpusher mula pa noong kanyang schooldays sa kanyang balwarte sa Catanduanes at Legaspi City, Albay.
Ang tikas ni Andres ay angkop din sa kanyang ikalawang pag-ibig sa sport na basketball pero mas pinili niyang katawanin ang kanyang alma mater na Divine Word Colleges-Legazpi City sa mga nilalahukang palaro sa lalawigan at bansa sa aspeto ng regional maging national na taktakang-utak..
Ang larong chess kasi ay nakatulong sa kanya sa talas ng pagdedesisyon at pagsusulit sa akademya man o sa kanyang propesyon.
Ang kanyang angking kakayahan sa ahedres ay di naman niya sinasarili dahil isini-share niya ang kanyang kaalaman sa mga kabataan kapag nagbabakasyon siya sa kanyang bayang sinilangan sa Catanduanes.
Ang mga alamat na sa larangang sina Grandmasters Rosendo Balinas,Jr. at Glen Bordonada ang mga nasa kanyang espesyal na talaan na nakatunggali niya noong kanyang prime ng paglalaro ng chess sa Albey.
Aniya, pag naging matagumpay ang kanyang adbokasiya na paglingkuran ang lahat ng Pilipino ayon sa takda ng tandhana ay nasa prayoridad niya ang kapakanan ng mga kabataan saan mang larangan para sa kinabukasan ng bayan kasama na ang sport na chess.
“Dapat ang grassroot national chess program ay fully supported by the government like college scholarships for good and potential players,” sambit ng pioneering member ng Divine Word Chess Club ng DWC Legaspi-ang paaralan kung saan siya nagtapos ng Accounting with distinction at isang Board passer.
Subaybay din ni Andes ang mga naging grandmasters ng bansa sa kasalukuyan at ang pagkabingwit ng USA kay Filipino chess gem Wesley So . Aniya, kung siya ang nasa pamahalaan ay di niya hahayaang maagaw ng ibang nasyon ang isang yaman ng estado tulad ni So.
More Stories
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!
‘PASINGAW’ NG LPG NI ‘ERIC’ SA TIAONG, QUEZON WALANG SINASANTO AT WALANG KINAKATAKUTAN
LANDBANK INUPAKAN SA MALIIT NA PAUTANG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT P3.6-B UTANG NG MARIKINA