November 24, 2024

‘D-KO’, DONAIRE, WAGI KAY GABALLO SA WBC TITLE DEFENSE

Pinatunayan ni Nonito Donaire Jr na kalabaw lang ang tumatanda. Gayundin ang mensahe na may ibubuga pa siya sa larangan ng boxing. Katunayan, dinaig nito si Fellow Filipino Reymart Gaballo sa kanilang boxing bout.

Napanatili ni Donaire ang kanyang WBC bamtamweight title belt sa laban na idinaos sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California.Tinapos ng 39-anyos na boxer na tinaguriang ‘The Filipino Flash’ si Gaballo nang tamaan ng left hook sa bodega.

Malakas ang suntok na iyon na ininda ng kalaban sa Round 4. Na nagresulta ng pagluhod ni Gaballo at di na muling nakatayo dahil sa sakit. Kaya napilitan si referee Ray Corona na tapusin ang 10-count.

https://twitter.com/i/status/1469918334753951746


Ang panalo ay unang successful title defrense ni Donaire. Na kanyang hablot nang talunin si Nordine Oubali noong Mayo 2021.Napaigi pa ni Donaire ang kanyang record sa 42-6-0. Kung saan ay nagwagi siya ng 4 sa limang laban. Ang kanyag lone loss ay natamo kay Naoya Inoue ng Japan. Nalasap naan ni Gaballo ang unang pagkatalo na may recent record na 24-1, 20 KO’s.